Olymp Trade: Pagrepaso Philippines 2021

4.9 / 5
5

Dapat ka bang magbukas ng account sa Olymp Trade? Mamahaling scam ba ito o mapagkakatiwalaang platform sa pag-trade? Malaman sa aming detalyadong pagrepaso.

Olymp Trade: Pagrepaso sa Platform ng Pag-trade

Ang Olymp Trade ay sinasabing nangungunang online trading platform at isa sa pinakamalaki sa mundo. Mula sa mapagpakumbabang simula nito nong 2014, nakalikha ang kompanya ng reputasyon sa milyon-milyong mga negosyante sa buong mundo, ngunit ang tanong ay nananatili pa rin:

Sulit bang gamitin ang Olymp Trade – at kung oo, paano ka kikita ng matatag na kita?

Iyan ang ating malalaman sa ekspertong pagrepasong ito. Titingnan natin sa ilalim ng microscope ang kompanya at susuriin lahat ng aspesto ng Olymp Trade kabilang ang plataporma nito sa pag-trade, suporta sa kliyente, mga pagdeposito at pag-withdraw, pati na ang edukasyon ng trader at regulasyon.

Sa katapusan ng teksto, makakahanap ka rin ng seksiyon na may mga komento at opinyon mula sa mga kliyente. Dito ka rin makakapagtanong ng mga sarili mong tanong at matatalakay ang mga nasa-isip mo sa mga kapwa trader.

Matapos basahin ang gabay na ito, masasagutan mo ang mga sumusunod na mahahalagang tanong tungkol sa Olymp Trade:

  • Paano magrehistro sa Olymp Trade?
  • Paano ka magdeposito sa Olymp Trade?
  • Paano maglaro sa Olymp kung nagsisimula ka pa lang?
  • Paano gamitin ang platform para kumita?
  • Paano ka magwi-withdraw ng pondo mula sa Olymp?

Mahigit 3 taon na sinusuri ng aming mga eksperto sa pananalapi ang Olymp Trade para gawin ng pagrepasong binabasa mo ngayon. Sinuri namin ang Demo at ang Live trading na mga account, kinausap ang mga amateur at propesyonal na trader mula sa ilang bansa, nagdeposito at nag-withdraw ng sarili nating pera at sinuri ang iba’t ibang istratehiya sa pag-trade – lahat para bumuo ng tunay na opinyon sa Olymp Trade.

Bago natin talakayin ang mga tanong sa itaas, maglaan tayo ng sandali para tingnan ang background ng kompanya. Pagkatapos ng lahat, makatuwiran na maunawaan ang samahan na pinag-iisipan mong pinagkakatiwalaan ng iyong mga pondo:

Ano ang Olymp Trade?

Tulad ng nabanggi sa itaas, ang kompanya sa likod ng plataporma sa pag-trade na ito ay kalahating dekada na. Subalit, ang kuwento nito ay nagsimula noong maagang bahagi ng 2010 noong may pangkat ng mga propesyonal sa pananalapi at IT ang nagsama-sama nang may layuning padaliin ang online na pamumuhunan para sa mga masa.

Mula sa umpisa pa lamang, ang kolektibong ito ay nagtakda ng layunin nito na i-democratize ang pangangalakal sa pananalapi at gawing literal na makukuha ito ng kahit na sino – hindi lamang ng mga may malaking na panimulang pangpuhunan o mataas ang gana sa panganib.

Ang unang berisyon ng plataporma ng Olymp trading platform ay patok agad sa mga tahanang perkado ng Eastern Europe at South-East Asia. Kahit na ang mga walang karanasan sa pamumuhunan ay nadaliang gamitin ito, at pinahintulutan ng mga libreng Demo Account ang hands-on na pag-aaral nang hindi kailangang isapalaran ang anumang tunay na pera.

Mula sa unang bersiyong iyon, marami ang napabuti at binago sa paglipas ng taon, pero ang pangunahing ideya ay nanatiling pareho: para magbigay ng pinakamadaling paraan para kaninoman na mamuhunan sa mga popular na pinansiyal na ari-arian tulad ng mga currency, stock at crypto.

Ang (medyo simple) ideyang ito ay naging bagay sa mga pangangailangan ng milyon-milyong aktibo at potensiyal na mga namumuhunan sa buong mundo. Sa iilang taon pa lang, lumawak ang hinahandog ng Olymp Trade sa mahigit 12 wika sa lahat ng rehiyon ng mundo at nagsasagawa ng mahigit sa 20 order sa pag-trade bawat segundo. Ilan pang numero ayon sa inulat ng kompanya:

  • $170,000,000 – Buwanang dami ng tine-trade
  • 25,000+ – Mga user na nagte-trade bawat araw
  • 5,000,000+ – Mobile app na pag-download

Ang pangunahing produkto ng Olymp Trade, at ang bagay na dahilan kung bakit posible ang lahat ng nasa itaas, ay ang kanilang online na trading platform. Gamit ang balanseng kumbinasyon ng makapangyarihang mga tampok at pinag-isipang disenyo, pinadadali nito ang pag-trade kahit na para sa mga pinaka-walang karanasang mga nagsisimula.

Sa susunod na seksiyon ng review namin, titingnan namin ang trading platform nang mas detalyado upang malaman kung ano ang kaibahan nito sa mga kakumpitensiyang sistema.

Ang Trading Platform

Hindi kailangang mag-download ng kahit na ano sa iyong computer upang gamitin ang platform ng Olymp Trade. Magagamit ito sa internet browser mo o bilang mobile app (na tatalakayin namin mamaya).

Kapag nag-log in ka, makikita mo ang pangunahing trading screen, na binubuo ng chart ng presyo at interface ng pag-trade sa kanan. Sa taas nito, makakakita ka ng mga tab na nag-uugnay sa lahat ng mga aktibo mong chart, at sa ibaba nito – ang kasalukuyang aktibo at kamakailang mga naisarang deal.

Pansinin ang pagiging simple ng seksiyon sa kanan na nagbubukas ng deal. Itatakda mo ang tagal at suma ng pag-trade at agad makikita ang potensiyal na kita sakaling tama ang prognosis mo. Magkalipas noon, i-click lang ang malaking button ng “Up” o “Down” para buksan ang deal.

Paano ito gumagana?

Ang kalalabasan ng deal ay nadedetermina ng pagbabago ng presyo ng napili mong ari-arian sa paglipas ng panahon na pinili mo kapag binubuksan ang deal. Tingnan natin ang isang halimbawa:

Nagbukas ka ng isang minutong, “Up” na deal sa Ginto, na kasalukuyang nagkakahalaga ng $1300. Kung ang presyo ng ginto makalipas ang isang minuto ay mas mataas sa kasalukuyang presyo, magkano man – kikita ka sa deal mo.

Ang bagay na kumbinyente tungkol dito ay alam mo ang potensiyal mong kalamangan at ang aksaktong payout ng matagumpay na deal bago buksan ang deal. Nangangahulugan ito na mapaplano mo nang mas mabuti ang mga trade mo at maiiwasang masyadong mabawasan ang account mo sakaling may ilang magkakasunod na hindi matagumpay na prediksiyon. Magaling!

Makakapili ka sa maraming posibleng pinansiyal na instrumento sa platform ng Olymp Trade, ngunit sa pangkalahatan ay maipapangkat sila sa apat na pangunahing kategorya:

  • 35 iba’t ibang pares mula sa classical na EUR/USD o GBP/JPY hanggang sa mas eksotikong USD/MXN o AUD/CAD.
  • 10 pinakamalaking indise ng stock mula sa pinaka-aktibong stock exchange sa buong mundo tulad ng NASDAQ ng New York at Nikkei 225 ng Tokyo.
  • 13 stock ng malalaking multinational na korporasyon tulad ng Coca Cola, Tesla o Apple. Ang oras ng pag-trade ng mga ari-ariang ito ay tumutugon sa mga oras ng pagbubukas ng nauukol na mga stock exchange.
  • 6 na mga commodity, kasama ang mga mamahalang metal tulad ng Ginto at Pilak, pari ng mga bagay na kaugnay ng enerhiya tulad ng langis at natural na gas.

Maliban doon, may ika-limang klase ng mga mate-trade na instrumento sa Olymp Trade na ipinakilala lang ilang taon ang nakaraan, ngunit madaling nakilala: crypto. Nararapat dito ang sarili nitong kabanata.

Mga cryptocurrency sa Olymp Trade

Para makaabot sa mga modernong trend, ipinakilala ng Olymp Trade ang pag-trade ng cryptocurrency sa platform nito para pahintulutan ang mga kliyente nito ng madali at walang abalang access sa mabilis na nabubuong pagkukunan ng kayamanang ito.

Makakapili ka sa pagitan ng 12 magkakaibang opsiyon pagdating sa crypto, na mula sa popular na Bitcoin at Ethereum, hanggang sa mas hindi mainstream na ari-ariang tulad ng Monero at Dash, sa mga magkakaugnay na magkakapares na tulad ng LTC/BTC – iyon ay, ang presyo ng Litecoin kaugnay ng Bitcoin, hindi sa U.S. dolyares.

May ilang mahalagang bentahe ng paggamit ng platform ng Olymp Trade para sa crypto trading kumpara sa mga pamantayang pamamaraan tulad ng mga wallet at palitan:

  • Ang pagdeposito ng mga pondo at pag-withdraw mula sa crypto wallet ay maaaring sakit sa ulo. Mas malala, aabutin ka ng ilang linggo para mapahintulutang mag-trade sa mga specialized na palitan ng crypto na katulad ng Bitfinex. Sa Olymp Trade, makakapagbukas kang mga deal ng mga cryptocurrency mula sa parehong account na ginagamit mo sa pag-trade ng mga ibang ari-arian.
  • Maaari kang kumita sa paglaki at pagbaba ng mga presyo ng crypto, kumpara sa tradisyonal na mga waller, kung saan ka lang makakabili at maiho-hold, umaasa na tataas ang presyo.
  • Ang mga bayad sa transaksiyon sa mga wallet at mga palitan ay maaari talagang lumaki, at maaaring magbayad ka ng 10% o mas higit pa ng aktuwal na suma bilang komisyon. Sa Olymp Trade, malaya kang magbukas ng kasing dami ng mga deal na gusto mo nang hindi nag-aalala tungkol sa mga matataas na bayarin.
  • Sa Olymp Trade, maiiwasan mo ang mga kaugnay na peligro sa specialized na mga palitan ng crypto, na maaaring ma-hack o madalas masira.

Mobile Trading

Hindi magiging modernong trading platform ang Olymp Trade kung wala itong napakakumbinyenteng mobile interface. Bakit plural ang ginagamit namin dito?

Dahil ang mga kliyente ng Olymp Trade ay may dalawang alternatibo para sa pag-trade sa mobile na device: gamit ang katutubong aplikasyon o sa pamamagitan ng mobile browser, sa pagbukas lang ng website ng kompanya.

Halos magkapareho ang itsura ng dalawang opsiyon, tulad ng makikita mo sa mga screenshot sa itaas, kaya nasa personal mo nang kagustuhan kung ang gagamitin mo ay ang isa o ang iba.

Ang mga taga-disenyo ng Olymp Trade ay napanatili ang pagiging simple at kapangyarihan ng kanilang full-size na platform sa pag-trade, habang pinahihintulutan ang mga user na buksan ang mga deal mula sa anumang lugar gamit ang mobile na koneksiyon sa network.

Ang katutubong app, siyempre ay makukuha para sa Android at mga iOS device, ay mada-download gamit ang mga direktang link.

Mga Klase ng Account at Demo Trading

Naghahandog ang Olymp Trade ng tatlong klase ng mga account para matulungan ang mga user nitong masulit ang platform: ang libreng Demo Account na may virtual money para matulungan kang magsanay at matuto ng mga bagong istratehiya; ang standard account kung saan ka makakapag-trade at kikita ng tunay na pera; at ang VIP account na may mga extended na tampok at pribilehiyo.

Ang ilan sa mga bentahe ng huli ay mas mataas na mga rate ng kita sa mga deal (hanggang sa 90% sa halip na 80% na limitasyon ng karaniwang account), mas mataas na mga limitasyon sa mga halaga ng deal pati na rin ang isang limitadong halaga ng tinatawag na mga deal na walang panganib, kung ang kliyente ay nabayaran kung sakaling may maling forecast.

Higit pa, ang bawat mag-hawak ng VIP status ay makakatanggap ng access sa mga inimbita-lang na mga webinar at VIP analytics, pati na ang matalagahan ng personal na katulong ng kokonsulta sa kanila sa anumang aspeto ng trading platform.

Upang makakuha ng VIP status, kailangan mong magdeposito ng hindi bababa sa $2,000. Sulit na itala na maaaring mawalan ka ng VIP na pribilehiyo kapag nag-withdraw ka ng pondo sa loob ng sumusunod na 15 araw nang hindi nagte-trade.

Sulit ba ang mga VIP account?

Kung abot-kaya mo ito – sigurado; at wala kang dagdag na gagastusin para makakuha ng mga pinagandang tampok at higit pang impormasyon, na makakatulong na ma-maximize ang mga kita mo sa pag-trade. Subalit, hindi ito nangangahulugan na ang hindi masyadong posibleng matatag na kumita sa standard na account.

Ang mga kliyenteng nagbubukas ng standard o VIP ay nararapat sa welcome bonus na hanggang 50% ng unang deposito. Tandaan na hindi mo mawi-withdraw ang bonus na halaga – pero ang anumang mga kikitain mo gamit ang perang iyon ay mananatiling iyo at maaaring ma-withdraw.

Gaano kahirap magbukas ng account sa Olymp Trade?

Pagbubukas ng Account

Hindi talaga mahirap! Ang totoo ay hinihinala namin na ang pagiging simple sa lahat ng mga pamamaraang kaugnay ng account (tulad ng mga pagdeposito at pag-withdraw, na pag-uusapan natin sa isang sandali) ay pangunahing salik para gawing popular ang Olymp.

Literal na 4 na click lang ang kailangan para simulang gamitin ang online platform:

  • Ipasok ang email mo, na gagamitin bilang login mo. Siguruhin na ito ay isang address na aktuwal mong ginagamit, dahil makakatanggap ka ng mahalagang impormasyon mula sa Olymp Trade sa email na iyon, kabilang ang pagbawi sa password sakaling sa kalaunan ay makalimutan mo ito.
  • Maglagay ng password para sa account mo. Ito ay maaaring anumang kumbinasyon ng mga letra, numero at simbolo, ngunit nirerekomenda naming iwasan ang mga karaniwang parirala na tulad ng “123456”.
  • Markahan ang checkbox para sumang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon ng platform.
  • At panghuli, i-click ang malaing “Register” button sa ibaba ng form para isumite ang kahilingan mo. Agad kang ipapasa sa Demo Account na platform sa pag-trade. Makakatanggap ka rin ng welcome email sa address na tinukoy mo sa Hakbang 1 na naglalaman ng link ng aktibasyon para sa bago mong account sa pag-trade.

Hindi naman mahirap, di ba? Ang mas mahusay pa ay matapos kumpletuhin ang pamamaraan sa itaas, magagamit mo agad ang buong paggana ng platform sa demo mode.

Upang magsimulang magsanay sa maliliit na halaga ng tunay na pera, kailangan mong magdeposito. At oo, napakadaling proseso nito.

Pag-deposit at Pag-withdraw

Upang ideposito ang mga pondo sa iyong trading account, i-click ang “Deposit” button sa itaas na kanang kanto ng screen ng platform – o i-click ang “+” button kung nasa mobile na device ka.

May lalabas na bagong screen, ipapakita ang mga available na opsiyon sa pagbabayad. Makakapili ka sa pagitan ng mga internet bank, Visa/Mastercard, pati na ang malawak na pagpipilian ng mga lokal na sistema sa pagbabayad at mga cryptocurrency.

Kapag nag-click ka sa paraan ng pagbabayad ng napili mo, makikita mo ang panghuling pangdepositong screen na nagpapahintulot sa iyong piliin ang halaga ng deposito – ang bonus mo ay awtomatikong gagawin depende sa halagang iyon.

Kapag napili mong i-save ang paraan ng pagbabayad mo sa hakbang na ito, sa kalaunan ay makakagawa ka ng mga karagdagang pagdeposito sa isang click.

Ang mga pag-withdraw sa Olymp Trade ay aabutin ng tinatayang 1-4 na araw ng pagtatrabaho para iproseso, depende sa napili mong paraan ng pagbabayad. Ang mawi-withdraw mong halaga ay liitado lang na kabuuang balanse ng account mo, ibabawas ang anumang mga bonus na natanggap mo habang nagdedeposito.

Sakaling mag-withdraw ka ng mas malalaking halaga, maaaring kailangang hingin ng broker mo ang karagdagang mga dokumento na kumukumpirma sa pagkakakilanlan mo, ayon sa inaatas ng mga taga-regula nito. Minsan lang ito isusumite, at hindi kailangang magsumite ng anumang karagdagang mga dokumento kapag napatotohanan ka na.

Matapos mag-trade sa Olymp Trade ng mahigit sa 24 na buwan, nakaenkuwentro ang mga eksperto namin ng kakaunting delay at walang hindi matagumpay na mga transaksiyon. Naglalabas ang kompanya ng milyon-milyong mga dolyares sa mga kliyente nito kada buwan, kaya ang tanging dahilan na maaaring hindi pumasok ang pag-withdraw mo agad dahil sa mga pag-antala ng bangko mo o e-wallet.

Matuto Kung Paano Mag-trade

Sa pagtingin sa kanilang website, malinaw mong makikita na sineseryoso ng Olymp Trade and edukasyon ng trader. May mga libreng, interaktibong leksiyon para sa mga nagsisimula, may database na nagpapaliwanag ng mahahalagang termino ng pag-trade, mga video tutorial sa pagtatrabaho sa online platform, pati na ang pana-panahong mga online na seminar.

Karamihan sa mga ito ay mahahanap sa sona ng “Edukasyon” na maa-access mula sa main menu.

Ang bawat leksiyon ay binubuo bilang isang chat window, kung saan mo matatanggap ang kaalaman sa maliliit na piraso, tulad ng pagkuha mo ng payo mula sa kaibigan sa pamamagitan ng Whatsapp o ibang messenger. Nakakatulong itong mas madaling maunawaan ang impormasyon at pinabibilis ang edukasyon mo.

May mahigit sa 100 leksiyong sumasaklaw sa mga basic ng pinansiyal na pag-trade, pati na mga advanced na paksa tulad ng mga teknikal na mga indikasyon at mga partikular na istratehiya sa pag-trade.

Talagang kapakipakinabang ang nahuli dahil naglalaman ito ng mga partikular na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang para kumita para sa iba’t ibang antas ng karanasan: mula sa mga nagsisimulang trader (subukan, halimbawa ang MACD o Bollinger Bands) hanggang sa mga advanced na trader (ang mga indikasyong tulad ng Ichimoku ay maaaring espesyal na kaaya-aya).

Ang Analytics na seksiyon ng account mo ay naglalaman ng mga libreng instrumento para makatulong na mapaigting ang kalidad ng pag-trade mo: isang kalendaryo ng mahalagang mga paparating na kaganapan na maaaring maimpluwentisiyahan ang mga presyo ng mga currency at stock, mga senyales sa pag-trade batay sa kasalukuyang sentimiyento ng merkado, pati na ang metrics ng votality para sa may karanasang mga trader.

Maaari ka ring mag-subscribe sa mga live na webinar na regular na magaganap sa mga partikular na petsa. Ang paglahok sa mga nasabing kaganapan ay magpapahintulot sa iyong matuto mula sa mga eksperto at magtanong ng anumang mga tanong na maaaring mayroon ka sa real-time na mode.

Suporta sa Kliyente

Sa pagsasalita tungkol sa real-time na komunikasyon: sakaling makaranas ka ng kahirapan sa plataporma ng pag-trade, ang proseso ng pagdeposito-pag-withdraw, o anumang ibang kaugnay ng interaksiyon mo sa Olymp Trade – may ilang paraan para makontak mo sila.

Sa ngayon ang pinakakumbinyenteng paraan ay ang live chat, na nagpapahintulot sa iyong talakayin agad ang mga problema mo sa kinatawan ng kompanya. Maa-access mo ang chat sa pag-click sa icon ng tandang pananong sa itaas na kanang kanto ng screen ng online na platform.

Kasama sa mga ibang paraan para makontak ang Olymptrade ang direktang tawag sa telepono (ang mga hotline nila ay matatawagan ng 24/7) at email, sakaling ang tanong mo ay hindi agaran at gusto mong preserbahin ang pakikipag-usap niyo sa kompanya sa nakasulat na anyo para sa sanggunian sa hinaharap.

May mga posibito lang kaming masasabi tungkol sa kalidad ng suporta sa Olymp Trade. Ito ay mabilis, friendly at pinakamahalaga, nakatuon ang pangkat na talagang lutasin ang mga isyu mo, hindi nagsasara ng isa pang ticket ng suporta.

Mga Pro at Con ng Olymp Trade

Sa totoo lang, ngayon na tiningnan natin ay ang bawat aspeto ng alok ng Olymp Trade nang mas detalyade, ibuod natin ang ating mga obserbasyon at mga saloobin sa isang listahan ng mga bentahe at disbentahe. Makakatulong ito sa ating makarating sa ating pinal na konklusyon sa susunod na seksiyon.

+ Mababang inaatas sa pinakamababang deposito: Maaari kang magsimulang mag-trade gamit ang tunay na pera simula sa kasing baba ng $10, na isa sa mga pinakamababang deposito sa industriya.

+ Libreng Demo Account: Hindi kailangang ipagsapalaran agad ang tunay na pera, maaari kang magsimula sa libreng demo ng trading platform na naglalaman ng lahat ng paggana ng tunay na bersiyon.

+ Madaling gamitin pero malakas: Ang online platform ng Olymp Trade ay ang pangangatawan ng overarching na layunin nito – ginagawa itong kasing simple hangga’t posible para magsimulang mamuhunan ang kahit na sino.

+ Mababang pinakamababang inaatas sa deal: Maliban sa Demo account na binanggit sa itaas, posible ring magsimulang matuto sa maliliit na deal sa tunay mong account, dahil pinahihintulutan ng kompanyang mag-order simula sa $1.

+ Ikatlong partidong regulasyon: Ang Olymp Trade ay nireregula ng International Financial Commission, na kumikilos bilang neutral na tagapamagitan sakaling may anumang hindi pagkakasundo sa pagitan ng kompanya at mga kliyente nito. Ginagarantiya ng Komisyon ang $20,000 pondo sa komisyon para sa anumang kaso kapag nalutas ang hindi pagkakasundo sa pabor ng kliyente.

+ Mga interaktibong pang-edukasyong materyales: May mahigit sa 100 libreng online na leksiyon sa lumalaking aklatan ng Olymp Trade, kung saan ka matututo ng mga basic at mas advanced na mga paksa sa pagsunod sa mga pag-uusap na parang chat.

+ Mabilis at libreng mga pag-withdraw: Ang mga pag-withdraw sa kinita ay karaniwang pinoproseso sa loob ng 1-4 na araw ng trabaho. Hindi nagdaragdag ang kompanya ng anumang bayarin, kaya ang tanging halagang magkakaroon ka ay ang bayad sa tagapaglaan ng bayad mo.

+ Madaling mobile trading: Mayroong browser na berisyon ng trading platform na magagamit mo sa mga mobile device, pati na ang dedikadong mga mobile app na mada-download sa Play Market o sa App Store.

– Walang mga pagitan ng deal na mas maiklo sa 1 minuto: Ang pinakamaikling pagitan ng oras na makakapag-trade ka ay 60 segundo, na hindi sapat para isagawa ang ilang advanced na istratehiya tulad ng scalping.

– Hindi tumatanggap ng mga residente ng EU: Kung nakatira ka sa European Union o nagbibiyahe lang doon, hindi ka papayagan ng kompanyang magrehistro sa platform.

Ang Hatol Namin

Ano ang mapapasya natin mula sa pananaliksik? Dapat mo bang piliin ang Olymp Trade bilang kasosyo sa pamumuhunan?

Ang bawat interaksiyon sa sistema ng Olymp Trade ay parang orasang mabuting nalangisan ito man ay sa pagbubukas ng mga deal, pag-aaral sa pag-trade, pagdeposito/pag-withdraw ng mga pondo o pagtanggap ng suporta. Ang bawat nagsisimula ay relaxed at inaasikaso habang ang mga may karanasang trader ay makakahanap ng maraming karagdagang benepisyo na mas gagawing mabisa ang pag-trade nila.

Matapos gamitin ang platform nito ng ilang taon, madali naming nauunawaan kung paano lumaki ang Olymp Trade sa isang international trading house nang napakabilis. Seryoso sila tungkol sa karanasan ng kostumer at hindi nakokompromiso pagdating sa kalidad ng serbisyo.

Please rate this

Mag-iwan ng Tugon